Eto na nga ata yung yung tinatawag nila na blog. Salamat kay Glenn. Dahil sa kanya ay nahikayat akong mag blog. Mga dahilan kung bakit ako bumigay na patulan na ang mga blog na ito.
- Dahil kay Glenn. Ewan ko ba sa malakas ata ang convincing powers niya. O, baka siguro marunong siya maghypnotize kasi pag sinasabi niya na check ko yung blog niya, sunod nman ako. Nainspire din ako sa paraan niya nang pagsulat, napakasimple. Hindi na kailangan nang malalalim na salita--okay din pala sa blog na gumamit nang "tagalog." Ano ba to Glenn? Mukhang magiging presidente pa ata ako nang fans club mo.
- Mas at home ata ako sa ganitong blog. Simple lang. Mukhang hindi ganun ka complicated.
- Gusto ko rin mahasa yung pagsusulat ko. Naisip ko kasi, sayang naman kung mabubulok lang sa utak ko. Baka ikamatay ko pa yun.
- Bored na bored na rin kasi ako sa work. Feeling ko okay rin na outlet to. Kesa nman mag-isip nang mag-isip nang mag-isip.
- Nasanay kasi ako nang laging may kausap. Kapag masaya, malungot, galit, inis, takot--lahat nang mga nararamdaman ko sanay ako nang may pinagkukuwentuhan kaya lang lately, medyo nag-iba nang konti. Hmm. Medyo malaki rin ang pinag-iba. Uy, drama ito. Kailangan mushy may mushy factor.
Sa totoo lang, medyo malaki ang expectation ko sa sarili ko ngayon naisapan ko nang mag blog. Bakit? Basta. Kuwento ko din sa ibang araw. Baka kasi wala na kasi ako mai-post sa mga susunod na araw. At medyo gumugugol rin malaking kuryente itong kaka-blog eh. Kaya sa ibang araw nman.
Friday, December 22, 2006
Subscribe to:
Posts (Atom)