Hay. Sa wakas at nakapagblog na din. Forty-eight years bago ako ulit nakapagpost, kaloka. Down kasi ang server tapos naging super busy nman ako pagpasok nang taon na to. Kaya naisipan kong "Super Blog" ang gawing title. Mga ilang weeks pa lang ang nakakaraan medyo napakarami na din ang nangyari.
1. Nagleave ako for three days dahil dumating yung mga clients ko from SM, dun yun sa dati kong work. Nakisuyo kasi sila na ibili ko sila nang AC para sa unit nila, yung mga relatives nman nila nasa province lahat. Sila yung favorite client ko sa SM, sila lang ata ang hindi nagbigay sa akin nang sakit nang ulo. Napaka-generous din nila, accomodating, masayahin--feeling ko nga kamag-anak ko sila dahil na rin siguro kung paano nila ako pinakisamahan.
2. Namatay na yung lolo ko na dinalaw ko nung nakaraang buwan sa baguio. Kapatid siya nang lola ko. Hindi nman kami ganun ka-close. Pero pag nagbabakasyon kami sa Baguio sa kanila kami tumitira. Sa Pampanga siya na-stroke. Dinalaw kasi niya yung kapatid niya na may sakit rin, actually yun dinalaw niyang kapatid yun talaga ang may sakit at may taning na dahil may cancer sa bituka. Ayun, nauna pa si lolo dun sa isa ko pang lolo. Mamiss ko din siya siyempre, lolo ko pa din siya.
3. Sa pangalawang pagkakataon nagalit ako sa pinsan ko. Una, nung after nang debut niya at pangalawa nito lang. Kasi naman siya ang tigas nang ulo. Hindi kasi ako sanay na pinagagalitan ang mga pinsan ko lalo nman mga kapatid ko. Isa akong ate na ubod nang mapagpasensiya, kaso dadating talaga yung pagkakataon na dapat maramdaman nila na ate nila ako at kapag wala ang magulang nila ako ang itinatalaga bilang "punong abala". Ayun tapos ko siya pinagalitan, umiyak siya nang umiyak at dahil iyak nang iyak nahirapan huminga--and ending, dinala pa namin siya sa hospital. Hay. Bago ako umalis sa kanila nag-iwan ako nang sulat para ipaliwanag sa kanya kung bakit dapat siya pagalitan. Hangang ngayon hindi pa din siya nagpaparamdam sa 'kin. Oh, life.
4. Tourist guide naman ako nang mga clients ko na dumating from US. Nung sinundo ko sila from airport parang medyo nahiya ako dun sa kababata nila. Hindi ko alam kung bakit. Napaparanoid kasi ako. From airport napunta kami sa condo tapos bumili na kami nung mga gamit nila sa condo, ay grabe nakakapagod yun. Puyat din kasi ako nun kasi nga dinala ko yung pinsan ko sa hospital nung gabi bago sila dumating. Kinabukasan sinamahan ko din sila sa mall. Kinabukasan ulit sinamahan ko din sila sa parlor kasi nagparebond sila. Masaya nman ako dahil masaya din nman sila kasama. Kaibigan na rin ang turing ko sa kanila. Nakakahawa yung pagiging optimistic nila--silang dalawang magkapatid, actually, yung buong pamilya nila. Siguro aside sa materyal na bagay na na-i-share nila sa akin, yung pagiging optimistic nila at pananaw sa buhay ang talagang hinangaan ko mula sa kanila. Sobrang thankful ako at nakilala ko sila.
5. Pagbalik ko from leave, sila Glenn at Elynn na. Sabi ko nga sa kanila hindi ko talaga akalain na magiging sila, malay ko bang magiging totoo ang tuksuhan, and to think na hindi ko rin ito nahalata samantalang lahat nang kasama namin sa PS ay nakakaamoy na. Masaya ako para sa kanila. Kay Glenn, dahil finally may GF na at magagamit na din niya ang talento niya sa sports na ang tawag ay pag-ibig (GF division). Kay Elynn, dahil sa wakas masaya na siya ulit. Nung ako kasi ang malungkot si Elynn ang lagi nag encourage sa akin na wag na malungkot. Yung nga lang hindi ko ulit ma-i-papangako na hindi na ako mang-aasar. Alam nyo nman na hobby ko na yun. Sana makalabas naman tayo, kasi maraming magagandang bagay ang pagiging magsingirog nyo. Feeling ko, mas naging close tayo lahat. Sina Corrine, Nurel, Mermer, Maggie, Joyce, kayo at syempre ako. Mas marami nang harutan ngayon compared before.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment